Nagpalagay ako ng pasta sa lateral incisor ko nitong nakaraang Sabado. Tuwing nahahanginan o nababasa ng malamig na tubig, dama ko talaga yung lamig pero hindi naman siya sumasakit. Nagiging hindi lang komportable kapag sobrang lamig na. Tapos kapag kumakagat ako sa matitigas—iniiwasan ko naman talaga pero sinubukan ko lang i-test—doon ko nararamdaman yung hapdi, pero sa part lang na may pasta. Normal lang ba yung ganitong pakiramdam?
Normal lang yan. Obserbahan mo muna, pero kapag lumala na, patingin mo na ulit sa dentista.